Saturday, May 5, 2012

FOR ADULTS ONLY!

For Adults Only's Ilocano Medley (click pic)

Mangngaggos' TRIP, EAT-cetera!: FOR ADULTS ONLY: Want to hear some of the best quality Ilocano songs recently released? It's now your chance to own a copy of the energizing album FOR ADULT...


Youtube (click pic)
Baka interesado kayong suportahan ang Ilocano Music, mga kaBLOGkada... may isa kasing kanta diyan sa album na FOR ADULTS ONLY na ako ang nagsulat ng lyrics at pinamagatan kong SABONG ITI FACEBOOK (BULAKLAK SA FACEBOOK).
Sa sobrang tuwa ko nga ay nagawan ko pa ng video sa youtube ang track #08 ng debut album ni Sir Alexander Reyes Barut (Physics Instructor mula Texas ng U.S. of A) kahit ulyanin na ang kompyuter na gamit ko. Inabot pa nga ako ng madaling-araw para tapusin lang ang napakasimpleng video na 'to.

Ang nakakainis, tatlong araw na, 'di ko pa ma-upload 'yung pinagpuyatan ko. Hinayupak kasi ang broadband na partner ng netbook ko, e. Katulad ng ibang partner diyan, 'di maaasahan! 'Kala ko naman "Simply Amazing," 'yun pala SIMPLI lang talaga sabi ni inday.

O, sige, saka na uli tayo magkuwen-thought-an... sumaglit lang ang inyong lingkod kasi ngayon ko lang naalala na blog ko pala ito. Aksidente lang kasi na mahuli ng alisto kong mata pagkatapos tanungin si manong Google tungkol sa Cagayan Valley Run. Try n'yo kaya... A-hi-hi-hi-hi! 

PEACE!

Order na!
FOR ADULTS ONLY

Produced by:
Vhen Bautista

SUPPORT THE ANTI-PIRACY LAW! BUY ONLY AN ORIGINAL COPY...

No comments:

Post a Comment