
May bagsik pa ba ang bigkas
Sa linyang pilit inilalako sa kalsada
Ng makatang di man lang nag-alinlangan
Kung may halaga pa
Ang tulang nilikha
'Di para sa sarili lamang
Kundi para sa sambayanang
Patuloy na pinapahirapan
Ng mga naghahari-hariang
Binabasbasan ng silyang
Lubos na makapangyarihan?
Kung ang bawat isa'y walang pakialam,
Saan pa papunta ang mga kamaong
Nagmamartsa ng tikom
Sa kalsadang pinag-aalayan ng dugo
Maipaglaban lang ang prinsipyong
'Di mawari kung mayro'n pang katuturan?
Naglulupasay ang kalunus-lunos
Na paghihikahos
Sa paligid ng palasyong
Manhid na sa katotohanang
Walang laman ang tiyan ng karamihan
Kundi ang tamis ng pangakong binitiwan...
Dumarami at dadami pa
Ang pag-aaklas ng mga gutom na makata
Hindi lang sa kalsada
Pagkat ang mga hinaing at hiling
Di lang sa pagdanak ng dugo dapat iparating!
Buksan ang kamalayan:
Halina at pagtulung-tulungang
Bigkasin ang bagsik
Ng mga tulang
Dapat ay pinakikinggan!
-- Derick Thor Yabes
Sa linyang pilit inilalako sa kalsada
Ng makatang di man lang nag-alinlangan
Kung may halaga pa
Ang tulang nilikha
'Di para sa sarili lamang
Kundi para sa sambayanang
Patuloy na pinapahirapan
Ng mga naghahari-hariang
Binabasbasan ng silyang
Lubos na makapangyarihan?
Kung ang bawat isa'y walang pakialam,
Saan pa papunta ang mga kamaong
Nagmamartsa ng tikom
Sa kalsadang pinag-aalayan ng dugo
Maipaglaban lang ang prinsipyong
'Di mawari kung mayro'n pang katuturan?
Naglulupasay ang kalunus-lunos
Na paghihikahos
Sa paligid ng palasyong
Manhid na sa katotohanang
Walang laman ang tiyan ng karamihan
Kundi ang tamis ng pangakong binitiwan...
Dumarami at dadami pa
Ang pag-aaklas ng mga gutom na makata
Hindi lang sa kalsada
Pagkat ang mga hinaing at hiling
Di lang sa pagdanak ng dugo dapat iparating!
Buksan ang kamalayan:
Halina at pagtulung-tulungang
Bigkasin ang bagsik
Ng mga tulang
Dapat ay pinakikinggan!
-- Derick Thor Yabes
No comments:
Post a Comment