Saturday, May 5, 2012

FOR ADULTS ONLY!

For Adults Only's Ilocano Medley (click pic)

Mangngaggos' TRIP, EAT-cetera!: FOR ADULTS ONLY: Want to hear some of the best quality Ilocano songs recently released? It's now your chance to own a copy of the energizing album FOR ADULT...


Thursday, April 5, 2012

FIRST TIME

          I-share ko lang 'tong pinagpuyatan ko ng ilang gabi. Perstaym kasi... Sabi nila, mahirap daw talaga pag perstaym. Pero sa kalaunan, laluna pag paulit- ulit mo nang ginagawa, siguradong hahanap-hanapin mo lalo pa't nag- e- enjoy ka na... Kaya mag- enjoy ka na lang!


Saturday, March 17, 2012

MAKATA NG KALSADA


May bagsik pa ba ang bigkas
Sa linyang pilit inilalako sa kalsada
Ng makatang di man lang nag-alinlangan
Kung may halaga pa
Ang tulang nilikha
'Di para sa sarili lamang
Kundi para sa sambayanang
Patuloy na pinapahirapan
Ng mga naghahari-hariang
Binabasbasan ng silyang
Lubos na makapangyarihan?


Kung ang bawat isa'y walang pakialam,
Saan pa papunta ang mga kamaong
Nagmamartsa ng tikom
Sa kalsadang pinag-aalayan ng dugo
Maipaglaban lang ang prinsipyong
'Di mawari kung mayro'n pang katuturan?


Naglulupasay ang kalunus-lunos
Na paghihikahos
Sa paligid ng palasyong
Manhid na sa katotohanang
Walang laman ang tiyan ng karamihan
Kundi ang tamis ng pangakong binitiwan...


Dumarami at dadami pa
Ang pag-aaklas ng mga gutom na makata
Hindi lang sa kalsada
Pagkat ang mga hinaing at hiling
Di lang sa pagdanak ng dugo dapat iparating!


Buksan ang kamalayan:
Halina at pagtulung-tulungang
Bigkasin ang bagsik
Ng mga tulang
Dapat ay pinakikinggan!



-- Derick Thor Yabes

Wednesday, March 14, 2012

Cagayan Valley Run 2012: Race for Education


The Cagayan Valley Bloggers Society and Philippine Chambers of Commerce and Industry, in cooperation with Department of Tourism, Department of Education, Cagayan Development Authority, and Municipal of Santa Ana brings the  “Cagayan Valley Run 2012: Race for Education" fun run, to be held March 31, 2012 in Sta. Ana, Cagayan.
The event will benefit the upcoming 1st Year High School Students from various public schools. Proceeds will go for the education of the deserving Grade 6 students from Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya and Quirino.